^

PSN Palaro

Bakbakan na sa semis ng Governors Cup

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Ito na ang simula ng single-round robin semifinals. At ang bawat laro ay lubhang mahalaga para sa anim na koponan.

“We are sure teams are going to come out hard. We need to be sure we are on top of our game,” sabi ni coach Chot Reyes sa kanyang Talk ‘N Text na sasagupa sa Alaska ngayong alas-5:30 ng hapon sa 2011 PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum.

Sa ikalawang laro sa alas-7:45 magtatagpo naman ang Rain or Shine at B-Meg Derby Ace.

Tangan ng Tropang Texters ang 6-2 rekord kasunod ang Aces (5-3), Petron Blaze Boosters (5-3), Ginebra Gin Kings (5-3), Elasto Painters (4-4) at Llamados (4-4).

Ang top two teams matapos ang semis ang siyang maglalaban sa best-of-seven championship series.

Ang koponan namang mananalo ng apat sa limang asignatura ang makakasikwat ng playoff para sa ikalawa at huling finals berth.

Ipaparada ng Talk ‘N Text ang bagong import na si Scot Reynolds kapalit ni Maurice Baker, may 10 points lamang sa 145-116 paglampaso sa sibak nang Air21 noong Hulyo 17.

Si Reynolds, produkto ng Villanueva University, ay kumampanya sa Dominican Republic.

“It’s not gonna mean anything if we don’t do a good job in the semis,” wika ni Reyes sa kanilang kartada. “Hopefully, we’ll do a better job in the semis.”

Nakatutok ang Tropang Texters sa kani­lang pinapangarap na Grand Slam title matapos magkampeon sa 2011 Philippine Cup at Commissioner’s Cup.

Nanggaling rin sa panalo ang Alaska ni Tim Cone makaraang igupo ang Ginebra, 83-79, noong Hulyo 16 na tinampukan ng 24 points at 20 rebounds ni import Jason Forte.

“Five-three is good enough,” wika ni Cone sa baraha ng kanyang Aces. “We have a good team which can really have a good run.”

Sa ikalawang laro, inaasahan namang ibabandera ng B-Meg ang bagong hugot na si Myron Allen kontra Rain or Shine bi­lang kapalit ng umuwing si Darnell Hinson.

Si Allen ay naglaro sa mga liga sa China at Mexi­co.

Bago umuwi sa United States para sa child custody hearing ng kanyang anak, tu­mipa si Hinson ng 31 markers sa 111-89 pag­gupo ng Llamados sa Express.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

B-MEG DERBY ACE

CHOT REYES

DARNELL HINSON

DOMINICAN REPUBLIC

ELASTO PAINTERS

GINEBRA GIN KINGS

GOVERNORS CUP

N TEXT

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with