^

PSN Palaro

Alaska tinulungan ni Tenorio sa 2 dikit na panalo

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Walang dudang si LA Tenorio ang tumatayong lider ng Alaska.

Ito ay ipinakita ng da­ting Ateneo Blue Eagle nang tulungan ang Aces sa dalawang sunod na arangkada patungo sa ka­nilang pagpasok sa six-team semifinal round ng kasalukuyang 2011 PBA Governors Cup.

“No doubt, LA is our leader on the floor,” sabi ni coach Tim Cone sa kanyang playmaker na tinanghal na Accel-PBA Press Corps’ Player of the Week.

Nagposte ang 5-foot-7 na si Tenorio ng mga averages na 18.5 points, 6.0 rebounds at 3.0 assists sa tagumpay ng Alaska sa Rain or Shine at Barangay Ginebra na mas maganda sa nauna niyang mga iti­nalang 11 points at 4.3 rebounds per game sa una nilang anim na laro.

Sinabi ng 27-anyos na si Tenorio na malaki ang naitulong sa Aces ng mga bagong hugot na sina Jay-R Reyes, Wesley Gonzales, Hans Thiele at Aris Dimaunahan.

“I think our team is star­ting to understand the system. In the first few games inconsistent kami kasi na­ngangapa pa kami sa isa’t-isa,” sabi ni Tenorio.

Maski ang kanyang right elbow injury bago ang torneo ay nakatulong rin sa kanya.

Sa 88-83 tagumpay ng Aces sa Elasto Painters noong Miyerkules, nagtala si Tenorio ng 22 points at 8 rebounds.

Sa 83-79 paggiba naman ng Alaska sa Ginebra noong Sabado, nag-ambag si Tenorio ng 15 markers sa ilalim ng 24 points at 20 rebounds ni import Jason Forte.

“He won’t be intimidated by anybody or any situation and that attitude rubs off on his teammates, which, in turn, makes us strong men­tally. His presence gives us a chance to be an elite team in the PBA,” ani Cone.

ARIS DIMAUNAHAN

ATENEO BLUE EAGLE

BARANGAY GINEBRA

ELASTO PAINTERS

GOVERNORS CUP

HANS THIELE

JASON FORTE

JAY-R REYES

PLAYER OF THE WEEK

PRESS CORPS

TENORIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with