Orcollo yukod kay Ko sa semis
MANILA, Philippines - Matapos talunin si 2009 WPA World 10-ball champion Mika Immonen ng Finland sa round of 32, si WPA World No. 2 Yukio Akagariyama ng Japan sa round of 16 at ang kababayang si defending champion Jundel Mazon sa round of 8, natalo naman si tournament top-seed at World No. 1 Dennis Orcollo sa isang Taiwanese sensation sa semifinal round.
Pinayukod ni Ko Pin-Yi, ang beteranong si Orcollo, 6-8, sa kanilang semifinal duel upang umabante sa final round ng 2011 Guinness World Series of Pool 10-Ball Championship sa Mall Taman Anggrek, Jakarta.
Nauna nang binigo ni Orcollo sina Immonen (8-5), Akagariyama (8-6) at Mazon (8-3).
Kaagad na itinala ni Ko ang 3-0 lamang mula sa dalawang break at isang run out sa 1st at 3rd racks.
Sa finals, tinalo ni Ko si Shane Van Boening, 10-4, para sa korona.
- Latest
- Trending