Orcollo kontra Akagariyama sa Last 16
MANILA, Philippines - Hindi na mapigilan si WPA World No. 1 Dennis Orcollo.
Umiskor si Orcollo ng isang 8-5 panalo kay 2009 WPA World Ten-Ball Champion Mika Immonen ng Finland sa knockout stages ng 2011 Guinness World Series of Pool 10 Ball Challenge.
Ang panalo ang nagtakda kay Orcollo sa kanilang quarterfinals clash ni WPA world no. 2. Yukio Akagariyama ng Japan.
Isang unforced error sa No. 7 ball sa opening rack at scratch sa break sa second rack ang naglaglag sa kanya sa 0- 2 patungo sa 3-1 lamang ni Immonen.
Tatlong sunod na lamesa ang winalis ni Orcollo upang itabla ang labanan sa 3-3 hanggang magtabla sila ni Immonen sa 5-5.
Nang hindi maipasok ni Immonen ang No. 4 ball, sinamantala naman ito ni Orcollo upang angkinin ang 6-5 bentahe at isunod ang 12th at 13th racks para sa kanyang tagumpay.
Inaasahang magiging balikatan ang quarterfinals match nina Orcollo at Akagariyama.
Samantala, natalo naman si Warren Kiamco kay 2007 US Open 9-Ball Champion Shane Van Boening, 4-8. Makakasama nina Orcollo at Akagariyama sa quarterfinals si Van Boening.
- Latest
- Trending