NBA All-Star Selection vs Gilas, PBA kasado na
MANILA, Philippines - Magbabalik sa bansa ang NBA superstar na si Kobe Bryant ng Los Angeles Lakers kasama si dating Rookie of the Year Chris Paul ng New Orleans Hornets para sa laro ng NBA All-Stars kontra PBA Selection at Smart Gilas Pilipinas na tinawag na “Ultimate All-Star Weekend” sa Hulyo 23 at 24 sa Araneta Coliseum.
“We’re proud to announce that a select group of superstars are coming over to play our own PBA All-Star selection and Smart Gilas Pilipinas in a couple of dream matches,” sabi ni Talk ‘N Text coach Chot Reyes.
Si Reyes ang siyang aagapay sa PBA Selection laban sa NBA All-Stars na pamumunuan nina Bryant at Paul katulong sina Tyreke Evans ng Sacramento Kings, James Harden ng Oklahoma Thunder, DeAndre Jordan ng Los Angeles Clippers at rookie Derrick Williams ng Minnesota Timberwolves.
Nakatakda ang laban ng NBA squad kontra PBA Selection sa Hulyo 23 sa ganap na alas-7 ng gabi bago kalabanin ang Smart Gilas sa Hulyo 24 sa ala-1 ng hapon sa Big Dome.
Nanggaling si Bryant sa bansa noong Linggo kung saan siya naglaro sa UAAP All-Stars laban sa Smart Gilas bilang bahagi ng kanyang five-city Nike Asian Tour.
Dalawa pang NBA stars ang dadalhin ng MVP Foundation para isama sa NBA team, ayon kay Reyes.
Ang dalawang ito ay sinasabing sina reigning MVP Derrick Rose ng Chicago Bulls at former ROY awardee at two-time scoring champion Kevin Durant ng Oklahoma Thunder.
Ang PBA selection squad ay kabibilangan naman nina James Yap at Marc Pingris ng B-Meg, Mark Caguioa at JC Intal ng Ginebra, Arwin Santos at Rabeh Al-Hussaini ng Petron Blaze, Ryan Reyes, Jason Castro at Larry Fonacier ng Talk N’ Text, Sonny Thoss at LA Tenorio ng Alaska, Sol Mercado ng Meralco, Gary David ng Powerade, Gabe Norwood ng Rain or Shine at Danny Seigle ng Air21. Nasa Smart Gilas naman sina Kelly Williams, Jimmy Alapag at Ranidel de Ocampo ng Talk ‘N Text, Asi Taulava at Meralco at Dondon Hontiveros ng Air21. (
- Latest
- Trending