Suarez, 3 pang Pinoy sa finals

JAKARTA, Indonesia --Umabante sa gold medal round sina Josie Gabuco at Nesthy Petecio ng PLDT-ABAP national boxing team nang gibain ang kanilang mga Indonesian rivals sa 21st President's Cup.

Tinalo ni Gabuco si Selly Manimbo, 22-11, sa women's 48-kilogram division, samantalang dinomina ni Petecio si Veronica Nicolas, 23-7, sa 51k. class sa kani-kanilang semiufinal matches.

Pumasok rin sa finals ang 16-anyos na si Ian Clark Bautista matapos git­lain si Gaurav Bidhuri, 12-5, at si team captain Charly Suarez nang igupo si Kazakhstan bet Yeldos Saldalin, 15-6. .

Minalas naman ang 18-anyos na si Na­thaniel Montealto sa kanyang se­mifinals match laban kay Russian Alexander Malinin, 5-8, kagaya ng naranasang pagkatalo ni Analisa Cruz kay veteran Aya Shinmoto ng Japan, 21-10.

Nagtabla sina Cruz at Shinmoto sa 2-2 sa first round hanggang nakalayo ang Japanese sa second round tangan ang 7-4 lamang. Nakuntento lamang ang dalawa sa tanso

Sa finals, makakasagupa ni Gabuco si Gui Jing Shan ng China, habang makakatapat ni Petecio si Le Thi Bang ng Vietnam.

Sa men's division, ha­­harapin ni Bautista si Vietnamese Nguyen Van Hai sa 49 Kg. at makakasabayan ni Suarez si Cen Yu ng China sa 60 Kg lightweight class.

Show comments