MCC below 1900 chessfest sa Jul. 9

MANILA, Philippines - Susulong ang Metropo­litan Chess Club 1900 below standard chess tourney sa ala-1:30 ng hapon sa Sa­bado, Hulyo 9 sa Eton Cyberpod na matatagpuan sa Ortigas Avenue cor. EDSA.

Ang nasabing chessfest ay bukas para sa lahat ng beginners, unrated at rated players na may NCFP ra­tings na hindi bababa sa 1900. Ang 5-round Swiss event ay may dalawang pag­pipilliang schedule--isang two-day competition na magsisimula ngayong Sabado at one-day affair na nakatakda sa alas-10:30 ng umaga sa Linggo, Hul­yo 10.

Gagamitan ang torneo ng 75 minutong time control sa buong limang rounds, habang ang isang araw na affair ay gagamitan naman ng 20-minutong time control sa unang tatlong rounds at 75 minuto sa hu­ling dalawang games.

Tatanggap ang top five winners ng cash prize kung saan ang kampeon ay mag-uuwi ng P3,000 top prize. Magbibigay rin ng special cash award sa top performers sa mga su­musnod na kategorya-- unrated; kiddies 14 -under; juniors 20-under; at seniors citizens.

Ang entry fee ay inilatag sa P300. Para sa detalye, tu­mawag sa 826,8560; 584,6855 o 994,5199 at 0922-8226319.

Show comments