MCC below 1900 chessfest sa Jul. 9
MANILA, Philippines - Susulong ang Metropolitan Chess Club 1900 below standard chess tourney sa ala-1:30 ng hapon sa Sabado, Hulyo 9 sa Eton Cyberpod na matatagpuan sa Ortigas Avenue cor. EDSA.
Ang nasabing chessfest ay bukas para sa lahat ng beginners, unrated at rated players na may NCFP ratings na hindi bababa sa 1900. Ang 5-round Swiss event ay may dalawang pagpipilliang schedule--isang two-day competition na magsisimula ngayong Sabado at one-day affair na nakatakda sa alas-10:30 ng umaga sa Linggo, Hulyo 10.
Gagamitan ang torneo ng 75 minutong time control sa buong limang rounds, habang ang isang araw na affair ay gagamitan naman ng 20-minutong time control sa unang tatlong rounds at 75 minuto sa huling dalawang games.
Tatanggap ang top five winners ng cash prize kung saan ang kampeon ay mag-uuwi ng P3,000 top prize. Magbibigay rin ng special cash award sa top performers sa mga sumusnod na kategorya-- unrated; kiddies 14 -under; juniors 20-under; at seniors citizens.
Ang entry fee ay inilatag sa P300. Para sa detalye, tumawag sa 826,8560; 584,6855 o 994,5199 at 0922-8226319.
- Latest
- Trending




















