^

PSN Palaro

Express Ibinaon Pa Ng Bolts

- Ni ATan/FMangonon -

MANILA, Philippines - Nagtulung-tulong ang mga local players ng Me­ralco sa huling yugto upang maisantabi ang paghahabol ng Air21 Express tungo sa 93-86 panalo sa PBA Go­vernors Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

May 32 puntos ang ba­gong import ng Bolts na si Tim Pickett pero kinailangan ng koponan ang mga mahalagang buslo nina Nelbert Omolon at Gabby Espinas nang makadikit sa tatlo, 83-80, ang Express.

Ikatlong panalo ito ng tropa ni coach Ryan Gregorio at tinapos din nila ang dalawang sunod na kabi­guan habang ikalimang sunod na pagkatalo ito para sa Express.

Pinalitan si Champ Oguchi, si Pickett ay gumawa ng 30 puntos sa unang tatlong yugto bago kinapitan ng pagkapagod sa fourth period.

Wala namang masamang epekto ito sa Bolts dahil may 16 puntos at 12 rebounds si Paul Asi Taulava habang pinagsamang 12 naman ang iniambag nina Espinas at Omolon.

Sa pamamagitan ng mainit na paglalaro ni Pi­c­kett na isang second round draft pick ng New Orleans noong 2004, ang Meralco ay nakalayo sa 64-49 sa ikatlong yugto.

Gumanti ng 19-1 palitan ang Express para dumikit sa 65-68. Angat ng Bolts ng tatlong punros nang kumana ng magkasunod na buslo sina Omolon at Espinas para kunin na ng tuluyan ang momentum sa labanan.

Samantala, pormal na humingi ng paumanhin si PBA Commis­sioner Chito Salud sa mga players at coaching staff ng Talk ‘N Text kahapon dahil sa pagka-stranded ng buong koponan sa Dubai International Airport noong Sabado ng gabi.

Pumunta si Salud sa en­sayo ng Tropang Texters kahapon sa Moro Lorenzo Gym sa Ateneo de Manila University campus para personal na iparating ang kanyang paumanhin.

“’I am here 4 1 thing only: to personally apologize for what happened in Dubai,’” ang quote sa social network na Twitter ni Talk ‘N Text head coach Chot Reyes sa sinabi ni Salud sa kanila.

“Very classy move by him,” naman ang komento ni Talk ‘N Text team captain Jimmy Alapag sa Twitter din sa ginawa ni Salud.

 “We apprec8 ur coming here& were prepared to put this behind us,” ang sagot din ni Alapag kay Salud.

Nangyari ang insidente habang pauwi sa Manila ang Tropang Texters pagka­tapos ng out-of-the-country na two-game na serye ng Tropang Texters laban sa B-Meg at Barangay Ginebra noong June 30 at July 1.

Problema sa pagbayad ng hotel bills at airfare ng PBA delegation ng promo­ters ng mga laro sa Dubai sa pamumuno ni Ramon Pizarras ng Filipino Basketball Center sa Sharjah, UAE ang itinuturong puno’t dulo ng naging problema kung saan na-bump-off sa flight pauwi ang buong koponan ng TNT.

Meralco 93 - Pickett 32, Taulava16, Mercado 15, Alja­mal 10, Espinas 6, Isip 6, Omolon 6, Ritualo 2, Menor 0, Hugnatan 0.

Air 21 86 - Bangura 31, Seigle 17, Arboleda 9, Urbiztondo 8, Najorda 6, Sharma 4, Canaleta 3, Avenido 3, Hontiveros 3, Espiritu 2, Salvador 0, Artadi 0.

Quarterscores: 18-22, 46-39, 66-56, 93-86

ARANETA COLISEUM

ASI TAULAVA

BARANGAY GINEBRA

CHAMP OGUCHI

CHITO SALUD

ESPINAS

N TEXT

OMOLON

SHY

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with