3 Pinoy pugs umiskor ng panalo sa President's Cup
JAKARTA, Indonesia--Nagpasikat agad sina Josie Gabuco, Analisa Cruz at bagitong Ian Clark Bautista sa pagsisimula ng upakan sa 21st President’s Cup sa Senayan Indoor Stadium dito.
Si Gabuco na bronze medalist sa 2008 World Championships ay nangi¬babaw kay Marua Chaudury ng Nepal, 21-0, upang umusad sa second round sa light flyweight class.
Pinulbos naman ni Cruz, bronze medalist naman ng China Open nitong Mayo, si Beatrix Sugoro ng host Indonesia, 17-10, sa flyweight habang ang 16-anyos na si Bautista ay nagbigay ng unang tagumpay sa kalalakihan sa pamamagitan ng 16-8 panalo laban sa mas malaking si Htet Aung ng Myanmar sa light flyweight division.
Ang iba sasabak sa unang laban ay sina Charly Suarez (60kg), Edilio Abrea (52kg), Nico Magliquian (56kg), Nathaniel Montealto (64kg) at Fil-Am Mico Brina (69kg) habang si Nesthy Petecio na isang quarter¬finalist sa 2010 World Championships ang huling lady boxers sa koponan.
- Latest
- Trending