WIMBLEDON, England--Umabante si defending champion Rafael Nadal sa kanyang pang limang final sa All England Club matapos talunin si Andy Murray, 5-7, 6-2, 6-2, 6-4, sa semifinals ng Wimbledon.
Ngunit ang panalo ay hindi tumiyak kay Nadal na mahawakan ang No. 1 ranking na siyang mapapasakamay ni Novak Djokovic.
Ito ay dahilan sa ang second-seeded na Serb ay nag-angat sa kanyang rekord na 47-1 ngayong taon mula sa 7-6 (4), 6-2, 6-7 (9), 6-3 tagumpay laban kay Jo-Wilfried Tsonga.
Ang finals ay magtatampok sa Australian Open champion kontra sa French Open titlist.
Nakuha ni Djokovic ang unang Grand Slam tournament ng taon bilang bahagi ng 43-match winning streak, habang ang 10-time major champion na si Nadal ay dumuplika sa rekord na anim na titulo ni Bjorn Borg sa Roland Garros noong nakaraang buwan.
Bago matalo sa kanyang first match ng taon kay Roger Federer sa French Open semifinals, tinalo na ni Djokovic si Nadal sa dalawang hard-court finals at dalawang clay-court finals noong 2011.
Sa Centre Court para sa women’s final, haharapin ni Maria Sharapova, ang 2004 Wimbledon champion, si Petra Kvitova.