^

PSN Palaro

Nadal vs Djokovic sa korona

-

WIMBLEDON, England--Umabante si defending champion Rafael Nadal sa kanyang pang limang final sa All England Club matapos talunin si Andy Murray, 5-7, 6-2, 6-2, 6-4, sa semifinals ng Wimbledon.

Ngunit ang panalo ay hindi tumiyak kay Nadal na mahawakan ang No. 1 ranking na siyang mapapasakamay ni Novak Djokovic.

Ito ay dahilan sa ang second-seeded na Serb ay nag-angat sa kanyang rekord na 47-1 ngayong taon mula sa 7-6 (4), 6-2, 6-7 (9), 6-3 tagumpay laban kay Jo-Wilfried Tsonga. 

Ang finals ay magtatampok sa Australian Open champion kontra sa French Open titlist.

Nakuha ni Djokovic ang unang Grand Slam tournament ng taon bilang bahagi ng 43-match winning streak, habang ang 10-time major champion na si Nadal ay du­muplika sa rekord na anim na titulo ni Bjorn Borg sa Roland Garros noong nakaraang buwan.

Bago matalo sa kanyang first match ng taon kay Roger Federer sa French Open semifinals, tinalo na ni Djokovic si Nadal sa dalawang hard-court finals at dalawang clay-court finals noong 2011.

Sa Centre Court para sa women’s final, haharapin ni Maria Sharapova, ang 2004 Wimbledon champion, si Petra Kvitova.

ALL ENGLAND CLUB

ANDY MURRAY

AUSTRALIAN OPEN

BJORN BORG

DJOKOVIC

FRENCH OPEN

GRAND SLAM

JO-WILFRIED TSONGA

MARIA SHARAPOVA

NADAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with