^

PSN Palaro

2 Pinoy sa semis

- Ni Ange­line Tan -

Manila, Philippines - Nagpatuloy ang magandang inilalaro nina Dennis Orcollo at Ronato Alcano nang makapasok ang dalawang pambato ng bansa sa semifinals sa idinadaos na 2011 World 9-ball Championship sa Al Sadd Sports Club sa Doha, Qatar.

Ginamit ni Orcollo ang 5-0 panimula para pagpahingahin na si Daryl Peach sa 11-4, sa kanilang bakbakan sa quar­terfinals.

Bago ito, ang kasaluku­yang World 8-ball champion na si Orcollo ay na­nalo sa mga kababayang sina Caneda Villamor, 11-6, at sa nagdedepensang kampeon Francisco Bustaman­te, 11-6 sa mga laro sa Last 32 at 16.

“Marami akong karana­san sa paglalaro ng pool pero iba ang pagnanais ko na mapanalunan ang titulo ito,” wika ni Orcollo na balak na matularan sina Efren “Bata” Reyes at Ronato Al­cano na nagkampeon sa World 8-ball at 9-ball championships.

“He played brilliant,” pagpupugay naman ni Peach sa kanyang kabiguan.

Sumunod naman si Alcano sa Final Four nang ka­lusin sina Chang Yu-lun ng Chinese Taipei, 11-9, sa Last 16 at Toru Kuribayashi ng Japan, 11-10, sa quarter­finals.

Lumayo sa 7-3 kalamangan si Alcano pero bumalikwas ang Japanese player para itabla ang laro sa 10-all.

Nagpalitan ng mga safety shots at mintis sa 21st at huling rack sina Alcano at Kuruba­yashi na nakapasok sa semifinals nang talunin sina Pinoy pool players Antonio Lining (11-8) at Vicenancio Tanio (11-10).  

Kumapit naman ang su­werte kay Alcano nang ma­laglag ang long shot nito sa 3-ball tungo sa runout at puwesto sa Final Four.

Balak ni Alcano na tinalo muna si Raj Hundal ng US, 11-9, sa Last 32, na manalo uli sa kompetisyon na huli niyang dinomina noong 2006 nang ito ay nilaro sa Pilipinas.

Isa lamang kina Orcollo at Alcano ang aabante sa Finals dahil sila ang magkikita sa isang hati sa semifinals.

Sina Mark Grey ng Great Britain at Yukio Akakariyama ng Japan ang maglalaban sa isang puwesto sa championship round.

Nakaaabante sa semis ang 38-anyos na si Grey matapos mangibabaw kina 2006 Doha Asian Games gold medalist Antonio Gabica (11-5) at dating US Open champion Shane Van Boening (11-9).

Lumusot naman si Akakariyama sa hamon nina Filipino players Carlo Biado (11-9) at Vicenancio Tanio (11-10) para lumapit siya ng dalawang pa­nalo sa hanga­ring titulo ng torneo.

AL SADD SPORTS CLUB

ALCANO

ANTONIO GABICA

ANTONIO LINING

CANEDA VILLAMOR

CARLO BIADO

FINAL FOUR

ORCOLLO

SHY

VICENANCIO TANIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with