^

PSN Palaro

Mas mabangis na Azkals sa home game vs Sri Lanka

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Makakaasang mas mabangis na laro ang matutungha­yan sa Azkals sa home game laban sa Red Braves ng Sri Lanka sa first round ng 2014 Fifa World Cup Asian Qualifiers.

Nabigo ang Azkals sa hangaring panalo sa away game nitong Miyerkules sa Colombo nang makahirit lamang sila ng 1-1 tabla.

Una ngang nakaiskor ang host team sa pamamagitan ni Chathura Gunarathna sa 43rd minute ng first half pero nabawi ito ng Azkals nang mailusot ng pamalit na si Nate Burkey ang attempt sa unang limang minuto ng second half para mauwi sa draw ang laban.

“Decent result, scrappy game,” wika ni team captain Aly Borromeo sa kanyang Twitter account.

“We’re coming home, can’t wait till Sunday match at Rizal,” dagdag pa nito.

“Bawi na lang kami sa Manila. Sana di kayo magsawa sa suporta,” banggit naman ni Chieffy Caligdong sa kanyang account.

Bago tumulak patungong Sri Lanka ay mataas ang ekspektasyon sa Azkals na mananalo dahil bukod sa mas mataas ang world rankings ng Pilipinas sa katunggali, sumailalim din ang koponan sa masusing pagsasanay sa Germany.

Maging si German coach Hans Michael Weiss ay na­gulat sa ipinakita ng kalaban pero hindi naman siya dis­mayado sa resulta ng bakbakan.

 “On this pitch they (Sri Lanka) play very physical. I think we were superior and if we had scored first, the game would have been over,” wika ni Weiss.

Dapat na lamang na kalimutan ang resulta ng laro aniya at paghandaan ang home game sa Rizal Memorial Football Field sa Linggo (Hulyo 3).

“I’m not the happiest man in the world but I’m not too disappointed. We take the results as it is and prepare for the match on Sunday,” dagdag pa nito.

Bumalik na ng bansa ang Azkals kagabi at gagamitin ang ilang araw para mapaghandaan ang mahalagang laro sa Linggo.

ALY BORROMEO

AZKALS

CHATHURA GUNARATHNA

CHIEFFY CALIGDONG

FIFA WORLD CUP ASIAN QUALIFIERS

HANS MICHAEL WEISS

LINGGO

NATE BURKEY

RED BRAVES

SRI LANKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with