^

PSN Palaro

Ginca igigiya ang Altas kapalit ni Aldeguer

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Bagamat noong naka­raang linggo pa nila napag-usapan ang pagbibitiw ni Boris Aldeguer bilang head coach ng Altas, kahapon lamang opisyal na kinilala ng University of Perpe­tual Help-DALTA System si Jembel Ginca bilang ba­gong mentor.

Ikinagulat ni Ginca, na­ging assistant ni Aldeguer sa bench ng Altas noong nakaraang taon, ang paglalagay sa kanya sa head coaching post.

“Actually, last week nag-usap usap na kami ni coach Boris na baka ganito ang mangyari,” ani Ginca.

Ang Perpetual ay nag­lista ng 2-14 win-loss record noongnakaraang taon gaya ng Emilio Aguinaldo Chiefs.

Ang sinasabing dahilan ng pagbibitiw ni Aldeguer, gumiya sa La Salle-Zobel Junior Archers sa korona ng UAAP noong 2007, ay ang kabiguan ng NCAA Management Committee (ManCom) na paglaruin si 6-foot-5 center Paul Nuilan para sa 87th season na sisimulan sa Hulyo 2.

Tanging si 6’4 forward Marlon Gomez ang nakapasa sa eligibility standard ng 87th NCAA season.

Sina Arnold Danganan, ang kanilang best scorer noong nakaraang NCAA season, Jett Vidal at Geor­ge Allen ang muling gagabay sa Perpetual, huling nakapasok sa finals noong 2004 kung saan sila natalo sa Philippine Christian University.

vuukle comment

ALDEGUER

ALTAS

ANG PERPETUAL

BORIS ALDEGUER

EMILIO AGUINALDO CHIEFS

GINCA

JEMBEL GINCA

JETT VIDAL

LA SALLE-ZOBEL JUNIOR ARCHERS

MANAGEMENT COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with