^

PSN Palaro

Tanauan rumesbak sa Indonesia

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Bumawi ang Tanauan sa unang pagkatalo sa pamamagitan ng 15-1 pag­durog sa Indonesia pero minalas na matalo naman ang ILLAM sa pagpapatuloy ng 2011 Asia Pacific Senior at Big League Championships kahapon sa Rizal Memorial Baseball Field.

Ibinuhos ng Tanauan ang galit matapos ang 4-3 kabiguan sa Guam nitong Linggo nang magbaga ang kanilang batters tungo sa five inning abbreviated win.

May apat na runs ang naipasok ni Jake Mendo­za mula sa 2 of 3 at bat habang si Melvin Rosita ay mayroong dalawang RBIs para sa home team na umiskor ng apat na runs sa unang inning, tatlo sa ikatlong inning at tinapos ang laro gamit ang walong runs sa ikaapat na innings.

Si Hanin Dio Baskoro na starting pitcher ng Indonesia ang siyang lumabas na losing pitcher nang magbigay ito ng apat na runs sa isang hit sa isang inning ng pagpukol.

Ang panalo naman ay natabunan ng 6-2 kabiguan ng ILLAM sa kamay ng CNMI Saipan na siyang lumalabas na team to beat dahil nanalo ito sa dalawang laro kahapon.

 Bago ang laro sa host ay unang dinurog muna ng Saipan ang Guam, 6-1, para hawakan ang liderato sa double round elimination sa 16-18 age bracket taglay ang 2-0 karta.

Ang Pilipinas ay nalag­lag sa 1-1 karta at kaila­ngang manalo sa Guam nga­yon para tumibay ang tsansang mapagharian ang torneo.   

ANG PILIPINAS

ASIA PACIFIC SENIOR

BIG LEAGUE CHAMPIONSHIPS

BUMAWI

JAKE MENDO

MELVIN ROSITA

RIZAL MEMORIAL BASEBALL FIELD

SAIPAN

SI HANIN DIO BASKORO

TANAUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with