^

PSN Palaro

American riders wagi sa Motocross Series

- Ni Robbie M. Pangilinan -

MANILA, Philippines - Dumagsa sa Lanao del Norte ang mga manonood para saksihan ang ikaanim na yugto ng Enersel Forte Philippine National Moto­cross Series at World Motocross Series noong Hunyo 25-27.

Ang national rider ng ban­­sa na si Glenn Aguilar ang nanguna sa Pro Open category ngunit nagtapos lamang sa ikaapat na puwesto sa International Pro Open. Tinalo siya ng mga Amerikanong riders na sina Tiger Lacey, Daniel Blair at Dennis Stapleton.

Sina Kimboy Pineda at Bornok Mangosong ang sumegunda at tumersera sa Pro Open category, at ang Golden Wheel awar­dee naman na si Do­nark Yuzon ay nagtapos sa No. 10. Si Yuzon ay No. 12 sa International Pro Open.

Ang pangulo at CEO ng SEL-J Sports na si Jay Lacnit, ang namumuno sa pagtaguyod ng motocross sa Pilipinas, ay nanguna sa mga kategoryang Executive B para sa higit 40 taong gulang at Executive C, at pang-13 sa kategoryang Executive A (Veterans).

Ang top three na ka­m­peon ng bawat kategorya ay sina: Arbot Romanos, Paeng Onahon, at Francis Sacala (Beginner Local Enduro); John Michael Almerino, Sai Sai Busayong, at Arbot Romanos (Local Open Enduro); Paolo Bahan, Ian Mapalo, at Scott Remi (Beginner Open Prod.); Atong Mangosong, Jesse Pineda, at Jacob Orbe (Novice Open Prod.); Paeng Onahon, Jungle Cabuco, at Dimol Isidro (Underbone Open); at Paeng Onahon, Robinson Dela Piedra, at Ayan Canete (Underbone Novice).

ARBOT ROMANOS

ATONG MANGOSONG

AYAN CANETE

BEGINNER LOCAL ENDURO

BEGINNER OPEN PROD

BORNOK MANGOSONG

INTERNATIONAL PRO OPEN

OPEN

PAENG ONAHON

PRO OPEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with