MANILA, Philippines - Mula sa 0-2 panimula, nasa isang two-game winning streak ngayon ang Aces.
Sumandig ang Alaska kina Cyrus Baguio, import Jason Forte at Sonny Thoss upang igupo ang minamalas pa ring Air21, 98-84, sa elimination round ng 2011 PBA Governors Cup kagabi sa The Arena sa San Juan.
Buhat sa 37-33 lamang sa first half, umiskor ang Aces ng 31 points sa kabuuan ng third period laban sa Express.
“I thought we played a not very good first half,” ani coach Tim Cone sa Alaska. “We weren’t getting shots. We we’re lucky we defended well enough. We got ourselves together in the second half. ”
Itinala ng Aces ang 73-59 abante sa 8:53 ng fourth quarter buhat sa jumper ni Mark Borboran bago nakadikit ang Air21 sa 70-75 sa 4:48 nito sa likod nina Dondon Hontiveros, import Alpha Bangura at Niño Canaleta.
Nagtuwang naman sina Baguio, Forte at LA Tenorio upang ilayo ang 1996 Grand Slam champions sa 87-74 sa huling 1:31 ng laro.
Nagmula ang Alaska sa 107-102 panalo kontra B-Meg Derby Ace, kinuha si bagong import Darnell Hinson, noong Hunyo 22 matapos ang dalawang dikit na kamalasan.
Kasalukuyang hawak ng Talk ‘N Text ang liderato mula sa kanilang 3-0 baraha kasunod ang Rain or Shine (3-1), Barangay Ginebra (2-1), Meralco (2-1), Petron Blaze (2-2), Alaska (2-2), B-Meg Derby Ace (1-2), Powerade (1-3) at Air21 (0-4).
Umiskor ang Tropang Texters ng 89-85 panalo sa Tigers noong Sabado sa Digos, Davao na tinampukan ng career-high 27 points ni Larry Fonacier mula sa kanyang 8-of-11 clip sa three-point line.
Alaska 98 - Baguio 19, Forte 18, Thoss 15, Gonzales 13, Borboran 8, Dela Cruz 8, Tenorio 7, Reyes 6, Custodio 2, Cabalay 2.
Air21 84 - Bangura 20, Canaleta 16, Sharma 16, Seigle 10, Artadi 5, Arboleda 5, Espiritu 4, Hontiveros 4, Urbiztondo 2, Juntilla 2, Salvador 0, Avenido 0.
Quarterscores: 24-19, 37-33, 68-55, 98-84.