WIMBLEDON, England — Maglalaro si Venus Williams para sa kanyang pang 15th Wimbledon, habang nagbalik naman si Kimiko Date-Krumm sa All England Club kung saan siya unang lumahok noong 1989.
Maghaharap sina Williams at Date-Krumm sa second round sa Wimbledon matapos manalo sa kanilang first-round matches.
Tinalo ni Williams si Akgul Amanmuradova ng Uzbekistan 6-3, 6-1, sa first round.
Nakatakdang harapin ng five-time champion na ipinagdiwang ang kanyang pang 31 kaarawan noong nakaraang linggo, ang 40-anyos na si Date-Krumm.
Umiskor si Date-Krumm ng isang 6-0, 7-5 tagumpay laban kay British wild card Katie O’Brien.
Huling nagtala ng panalo si Date-Krumm sa Wimbledon noong 1996 kontra kay Mary Pierce sa quarterfinals. Ngunit natalo siya sa nagreynang si Steffi Graf sa semifinals.
Tampok rin sa Centre Court ang tatlong netters na may pinagsamang 31 Grand Slam singles titles.
Ito ay sina four-time Wimbledon winner Serena Williams, six-time men’s champion Roger Federer at reigning Australian Open titlist Novak Djokovic.