^

PSN Palaro

Batangas, Taguig pasok sa semis ng BP

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Umukit ng magkahiwalay na panalo ang Batangas at Taguig na nagtulak sa mga koponang ito na makapasok na sa Final Four ng Baseball Philippines Series VIII kahapon sa Clark Field Parade Grounds sa Pampanga.

Isang hit lamang ang ibinigay ni Romeo Jasmin sa mula ikaanim na inning habang tatlong runs ang itinulak ng Bulls sa kanilang palo sa nabanggit ding inning para kunin ang 7-4 tagumpay sa Dumaguete Unibikers.

Angat pa ang Unibikers sa 4-3 matapos ang limang innings nang humataw si Vincent Ching ng leadoff double. Umabante siya sa third sa outfield error bago umiskor ng panablang run sa single ni Leandro Banson.

May single din si Randy De Leon at ang dalawa ay pumasok sa single sa center ni Justin Zialcita para kunin na ang kalamangan sa laro.

Kumunekta naman ng apat sa siyam na ibinigay ni Carlos Munoz ang Patriots para mapag-init ang anim na runs na ginawa sa fifth inning tungo sa 8-1 kalamangan.

Hindi na nakabangon pa ang Tigers mula sa hukay na ito para matapos na ang agawan sa semis seats sa ligang inorganisa ng Community Sports Inc. (CSI) katuwang ang Gatorade, Rawlings, The Heritage Park, Harbour Centre. Philippine Transmarine Corporation, Emperador Brandy, Victory Liner at Philippine Sports Commis­sion.

Ang Bulls ngayon ay mayroong 5-5 karta habang 4-5 naman ang sa Patriots para samahan na ang two-time defending champions Manila Sharks (8-1) at Cebu Dolphins (7-2) sa crossover semifinals.

Namaalam naman na ang Tigers at Unibikers sa tinamong 2-7- at 1-7 baraha kahit may tig-isa pa silang laro sa eliminasyon.

vuukle comment

ANG BULLS

BASEBALL PHILIPPINES SERIES

CARLOS MUNOZ

CEBU DOLPHINS

CLARK FIELD PARADE GROUNDS

COMMUNITY SPORTS INC

DUMAGUETE UNIBIKERS

EMPERADOR BRANDY

FINAL FOUR

HARBOUR CENTRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with