^

PSN Palaro

8 muay veteran kakampanya sa World Muay Championship

- Ni Robbie M. Pangilinan -

MANILA, Philippines - Pipilitin ng walong natio­nal athletes na makapag-uwi ng gintong medalya sa kanilang paglahok sa IFMA 2011 World Muay Championships saTashkent, Uzbekistan sa Setyembre 20-27.

Nakatakdang bumiyahe ang delegasyon ni Muay head coach Billy Alumno patungong Bangkok, Thailand sa Hulyo 15 hanggang Setyembre 15 upang magsanay sa prestihiyosong torneo na tinatampukan ng 50 bansa.

“Wala po kasing Muay this coming 26th Indonesian SEA Games kaya po nag-concentrate po kami para sa World Cham­pionships,” sabi ni Alumno ng maging panauhin sa lingguhang SCOOP sa Kamayan forum na itinataguyod ng Q-Tech BPO,Powerade, FILA, DPS at TV5.

Ang walong atleta na nakapag-uwi ng medalya noong 2009 Laos SEAGa­mes ay sina Harlod Gre­gorio, Jonathan Polosan, Zidee Laron, Benedict Alum­­no, Ryan Jakiri at Robin Catalan habang ang mga babae ay sina May Li Bao at Preciosa Ocaya.

Asam ng asosasyon ng Muay na malampasan ang kasaysayan na itinala nina Brent Velasco at Roland Claro na nagawang masungkit ang gintong medalya sa kada dalawang taong torneo.

Unang itinala ni Velas­co ang panalo noong 2000 at 2002 bago sumunod si Claro noong 2004 at 20­08.

Idinagdag ni Alumno na umaasa sila na masusustinahan ng kanilang pagsasanay na gagawin sa bansang Thailand na siyang pinagmulan ng larong Muay para sa mga torneo na nakatakda nitong lahukan na torneo partikular na sa susunod na 2014 Asian Games sa Inchon, South Korea.

ALUMNO

ASIAN GAMES

BENEDICT ALUM

BILLY ALUMNO

BRENT VELASCO

HARLOD GRE

JONATHAN POLOSAN

MAY LI BAO

MUAY

PRECIOSA OCAYA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with