^

PSN Palaro

Bulls sinuwag ang Unibikers

- Ni Angeline Tan -

Manila, Philippines - Namuro pa ang Bata­ngas Bulls sa asam na puwesto sa Final Four ng Baseball Philippines Series VIII nang kunin ang 11-0 shutout na panalo sa Dumaguete Unibikers na ginanap kahapon sa Parade Grounds, Clark Field, Pampanga.

Isang hit at pitong strike­outs ang ginawa ng kali­weteng si pitcher Vladimir Eguia sa loob ng walong inning habang si Justin Zial­cita ay humataw ng da­lawang singles at isang triple at si Vio Roxas ay may dalawang RBIs sa 2 of 3 at bat upang lagyan ng ningning ang ikaapat na panalo ng koponan sa siyam na laro.

Mabangis ang batting ng Bulls dahil inulan ang apat na pitchers na ginamit ng Unibikers ng 19 na hits upang mangailangan na lamang ang Batangas na manalo uli sa Dumaguete ngayon para masamahan ang Manila Sharks at Cebu Dolphins sa semifinals.

Pinatatag naman ng Ta­guig Patriots ang pag­ha­habol sa puwesto sa semis nang mangibabaw din sa Alabang Tigers, 11-8, sa unang tagisan.

Si Jeff Hardillo ay mayroong tatlong RBIs pero ang two-run double ni Justin Payongayong sa bottom eight ang nagbigay ng apat na runs na kalamangan upang matiyak ang paghagip ng Patriots ng kanilang ikatlong tagumpay sa walong laban.

vuukle comment

ALABANG TIGERS

BASEBALL PHILIPPINES SERIES

CEBU DOLPHINS

CLARK FIELD

DUMAGUETE UNIBIKERS

FINAL FOUR

JUSTIN PAYONGAYONG

JUSTIN ZIAL

MANILA SHARKS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with