^

PSN Palaro

SCOOP suportado ng TV5

-

Manila, Philippines -  Solidong suporta ang ibinigay ng TV5 para sa Sports Communicators Organization of the Philippines (SCOOP), isang grupo na aktibo sa mga programa at proyekto sa palakasan ng bansa.

Itinaguyod rin ng SCOOP ang mga atletang Pinoy sa nakaraang 30 taon.

Sisimulan nang ikover ng TV5 Sports ang lingguhang SCOOP sa Kamayan sports forum tuwing Biyernes.

 Ang SCOOP Kamayan ay lugar kung saan nagkikita-kita ang mga personalidad, grupo, at tagasuporta ng isports upang pag-usapan at desisyunan ang mahahalagang isyu at usapin sa palakasan.

Ang TV5 ay pagmamay-ari ng PLDT at Smart ni Manny V. Pangilinan na sumusuporta rin sa isports.

Siya ang may-ari ng Talk ‘N Text Tropang Texters at Meralco Bolts sa Philippine Basketball Association (PBA). Suportado rin niya ang San Beda Red Lions sa National College Athletic Association (NCAA) at ang Ateneo Blue Eagles sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Inilunsad din ang opis­­yal na website ang SCOOP, ang www.scoopmanila.net, sa SCOOP Kamayan forum noong Hunyo 17. Matutunghayan sa nasa­bing website ang mga bagong balita sa isports at magbibigay ng mga sports analysis at komentaryo.

ATENEO BLUE EAGLES

KAMAYAN

MANNY V

MERALCO BOLTS

N TEXT TROPANG TEXTERS

NATIONAL COLLEGE ATHLETIC ASSOCIATION

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

SAN BEDA RED LIONS

SPORTS COMMUNICATORS ORGANIZATION OF THE PHILIPPINES

UNIVERSITY ATHLETIC ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with