RP chessers sumulong ng 8 golds sa Indonesia

TARAKAN, Indonesia – Humakot ang mga Pinoy ng 8 golds, 7 silvers at 8 bronze medals sa katatapos na 12 th ASEAN + age-group blitz chess competitions dito sa Indoor Telaga Kramat Stadium.

Winalis ni Dennis Gu­tier­rez III ng Pangasinan ang kanyang siyam na laro patungo sa gold medal sa boys 8 years old and under category.

Ang mga kumuha ng ginto ay sina Julius Gonzales of Marikina sa boys 10 under; Daryl Unix Samantila ng Malabon sa boys 12 under; Dominique Lagula ng Nueva Ecija sa boys 16 under; Mira Mirano ng Aklan sa girls 14 under;

Inangkin rin ng mga Pinoy ang team gold.

Show comments