^

PSN Palaro

NLEX inangkin ang Foundation Cup

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Napurnada ang ina­kalang overtime na laro nang maipasok ni Ronald Pascual ang bola may 0.8 segundo sa orasan para itakas ng NLEX ang 61-59 panalo kontra Cebuana-Lhuillier sa PBA D-League Foundation Cup Finals kahapon sa Yñares Sports Arena sa Pasig City.

Humabol mula sa 13-puntos na pagkakalubog at naitabla ang laro sa 59-59 sa lay-up ni Kevin Alas, nasayang ang paghihirap ng Gems nang makatanggap ng magandang pasa si Pascual sa kakamping si John Raymundo upang maunahan ang pagtunog ng final buzzer at maibigay sa Road Warriors ang D-League title sa pamamagitan ng 2-0 sweep sa kanilang best-of-three championship series.

“It was a great play at wala akong duda na maipapasok ni Ronald ang shot na ito dahil pinagsasanayan namin ang mga ganitong plays sa practice,” wika ni champion coach Boyet Fernandez.

Tinapos ni Pascual ang laro taglay ang 10 puntos, habang si Calvin Abueva ang nagmando sa NLEX sa kanyang 18 puntos, 15 rebounds at 2 blocks.

“Pinasasalamatan ko ang mga sumuporta sa team lalo na si Manuel V. Pangilinan. Malakas ang Cebuana at nirerespeto ko ang team na ito pero sa larong ito, naipakita ng mga players ko ang kanilang puso at determinasyon,” dagdag pa ni Fernandez.

May 13 puntos si Hyram Bagatsing, 10 puntos si Marvin Hayes at pinagsamang 17 sina Alas at MVP Allein Maliksi pero ang pagkulapso sa depensa sa huling segundo ang nagbasura sa paghihirap na ginawa ng Gems.

Lumayo sa pinakamalaking kalamangan na 43-30 pero nagbagsak ng 15-0 ang Gems para lumamang pa sa 45-43.

Huling tikim na bentahe ng tropa ni coach Luigi Trillo ay sa 52-51 sa tres ni Bagatsing bago tumipak ng magkasunod na buslo sina Abueva at Raymundo upang ibigay sa NLEX ang 55-52 bentahe.

Isang tres ni Raymundo ang nag-akyat sa kanilang kalamangan sa 58-54, bago gumanti ng 3-pointer si Bagatsing at lay-up ni Alas na pumagitna sa split sa 15-foot line ni Menor upang magtabla sa 59-59.

Matamis ang panalong ito para kay Fernandez dahil taong 2008 pa nang huli siyang nagkampeon sa PBA gamit ang Sta Lucia Realty.

Bago rin mapasama sa NLEX, si Fernandez ay nag-coach sa UAAP dalawang taon na ang nakalipas at mapait na kapalaran ang nangyari sa kanya dahil hindi siya nakatikim ng panalo sa 11 laro sa koponan ng UP.

NLEX 61 - Abueva 18, Pascual 10, Ellis 9, Hodge 7, Raymundo 7, Menor 6, Sangalang 2, Dehesa 2, Salamat 0, Taganas 0, Co 0.

Cebuana-Lhuillier 59 - Bagatsing 13, Hayes 10, Alas 9, Maliksi 8, Mandani 5, Sena 4, Mepana 4, Fernandez 2, Canta 2, Semira 2, Elinon 0, Llagas 0, Nabong 0.

Quarterscores: 13-8; 34-28; 45-45; 61-59.

ABUEVA

ALLEIN MALIKSI

BAGATSING

BOYET FERNANDEZ

CALVIN ABUEVA

CEBUANA-LHUILLIER

D-LEAGUE FOUNDATION CUP FINALS

FERNANDEZ

HYRAM BAGATSING

RAYMUNDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with