^

PSN Palaro

Mga running club tatakbo sa Manila Bay Clean-Up Run

-

MANILA, Philippines -  Pinangunahan ng mga running club mula PhilHealth, Hyatt Hotel and Casino, the National Mapping and Resource Information Authority, the Philippine Marines, the Philippine Coast Guard, De La Salle University, Manila Hotel, at Grupong Quiapo ang nakapagpalista na para sa darating na Manila Bay Clean-Up Run na itinakda sa Hulyo 17, 2011.

Handog ng Manila Broadcasting Company (MBC) sa pakikipagtulungan ng Smart Communications, M. Lhuillier, at Enervon Multivitamins, ang Manila Bay Clean-Up Run ay bilang suporta sa mga nasimulang proyekto ng Land Bank at Lungsod ng Maynila upang mabawasan ang basura’t duming sumisira sa ating marine at coastal resources.   Gaganapin din ang Manila Bay Clean-up Run bilang pagtanaw sa ika-72 ani­bersaryo ng DZRH, ang kauna-unahang istasyon ng radyo sa Pilipinas, na tinaguriang flagship station ng MBC.  

Tampok dito ang mga karera sa 3K, 5K, 10K, at 21K divisions na panlalaki at pambabae. Mamimigay din ng mga tropeo at cash prize sa mga magwawagi. Tatanggap ng P20,000 ang first-place finisher sa 21K run, P10,000 para sa 10K runner, P5,000 sa mananalo sa 5K run, at P3,000 para sa 3K winner. Ang pinakamabilis na mga pamilyang may tig-tatlo hanggang limang miyembro na magsisimula at magtatapos ng sabay ay bibigyan ng special award. Magkakaroon din ng pa-premyo para sa pinakamalaking delegasyon na magpapadala ng hindi ku­kulangin sa 25 paying entries.  

Tuloy pa rin ang pagparehistro sa lobby ng Manila Broadcasting Company, Sotto Street, CCP Complex, Pasay City, at sa Recreational Outdoor exchange (ROX) sa Bonifacio High Street, Global City, Taguig.

Maaring tumawag sa 482.5143 / 0916.688.8877/ 0926.205.2787 o tungha-yang ang mga website http:// www.loveradio.com.ph, www.yesfm.com.ph  or www.easyrock.com.ph.

vuukle comment

BONIFACIO HIGH STREET

DE LA SALLE UNIVERSITY

ENERVON MULTIVITAMINS

GLOBAL CITY

GRUPONG QUIAPO

HYATT HOTEL AND CASINO

LAND BANK

MANILA BAY CLEAN-UP RUN

MANILA BROADCASTING COMPANY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with