Samantila, San Diego kumakasa pa sa ASEAN chessfest sa Indonesia

TARAKAN, Indonesia---Umiskor ng mga panalo sina Daryl Unix Samantila at Marie Antoinette San Diego para manatili ang kalamangan ng Pilipinas sa boys at girls 12-years old and under sa 12th ASEAN Age Group Standard Chess Championships sa Indoor Kramat Stadium sa Tarakan, Indonesia.

Ang 12-anyos na si Sa­mantila ay nanalo kay Hoang Tan Duc ng Vietnam para makasalo sa lideratong hawak nina Nguyen Tan Hoang ng Vietnam at Arif Abdul Hafiz ng Indonesia taglay ang tatlong panalo sa ganitong dami ng laro.

Ang mga unang tinalo ni Samantila ay sina M. Ichsan at Eliezer Neovand ng Indonesia.

Si San Diego na nanalo ng isng ginto at isang pilak sa ASEAN Primary Schools Sports Olympiad (APSSO) na nilaro noong nakaraang taon sa Jakarta ay hinagip din ang ikatlong puntos nang manalo kay Hazimi Nuryamsina ng Indonesia.

Humirit ng unang dalawang panalo kina Manun Novitassari ng Indonesia at Sabrina Asman ng Malaysia sa unang dalawang rounds, si San Diego ay katabla sa liderato ni Vindu Chandra ng Indonesia na tinalo naman ang Pinay woodpusher Samanta Glo Revita.

Sina Jean Karen Enriquez, Janelle Mae Frayna at Cherry Ann Mejia ay nag­sipanalo naman sa girls 16 years old and under laban kina Vietnamese WFM Nguyen Tran Ngoc, Lintang Wulandari ng Indonesia at Rida Mutiani ng Indonesia.

Si national junior champion Mari Joseph Truqueza ay nakalusot kay FM Dang Hoang Son ng Vietnam sa boys 20-under.

Yuko naman si Jedara Docena kay WIM Hoang Thi Nuh ng Vietnam habang table si Rowelyn Acedo kay Citra Dewi ng Indonesia sa girls 20-under.

Show comments