^

PSN Palaro

Kukunin na ng NLEX

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines -  Optimistiko pa si coach Luigi Trillo na maihihirit pa ang PBA D-League Foundation Cup Finals sa isang rubbermatch.

Pero para maitabla ang best-of-three series sa Game Two ngayon na gagawin ganap na alas-3 ng hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City, kaila­ngang magtrabaho nang husto ang kanyang alagad at ipakita ang larong naglagay sa kanila sa unang pu­westo sa Group B.

Tanging si Allein Maliksi lamang ang palaban sa Game One nang umiskor ito ng 21 puntos sa nilasap na 62-74 kabiguan noong Huwebes.

Maliban sa kawalan ng opensa, malamya rin ang depensa ng Gems lalo na sa mga guards ng Road Warriors tulad nina Ronald Pascual, Rogemar Menor, Eric Salamat at John Raymundo.

“I honestly thought that Raymundo, Menor, Pascual and Salamat eat our guards for merienda,” puna ni Trillo sa nangyari sa unang tagisan.

Gagawa naman siya ng adjustments pero dapat din na maging positibo ang pananaw ng kanyang koponan tulad nina Narciso Llagas at ang batang si Ke­vin Alas na sa unang yugto ng labanan ay mga key players pero sa unang laro sa Finals ay natahimik.

Si Llagas ay mayroon lamang dalawang puntos habang bokya naman si Alas.

“Inaasahan kong mahirap na laban itong susuungin namin dahil malakas ang Gems at tiyak na gagawa sila ng adjustments. Pero magiging handa kami,” wika naman ni Road Warriors coach Boyet Fernandez.

Dahil sa pisikal na laro ay pinagmulta ni league commissioner Chito Salud si Ariel Mepana ng P7,400 dahil sa panununtok sa tiyan kay Calvin Abueva na hindi nakita ng mga refe­rees pero nasilip nang nagsagawa ng review ng tape ng laro ang pamunuan ng liga.

“Mas magiging pisikal ito pero maghahanda ka­mi,” dagdag pa ni Fernan­dez.

ALLEIN MALIKSI

ARIEL MEPANA

BOYET FERNANDEZ

CALVIN ABUEVA

CHITO SALUD

D-LEAGUE FOUNDATION CUP FINALS

ERIC SALAMAT

GAME ONE

GAME TWO

ROAD WARRIORS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with