^

PSN Palaro

SBP nagpapasaklolo sa FIBA Asia para sa women's team

-

MANILA, Philippines -  Hinahabol pa ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pagpasok ng national women’s team sa FIBA Asia Women’s Championship sa Nagasaki, Japan mula Agosto 21 hanggang 28.

Nalagay sa alanganin ang Pilipinas na masali dahil hindi agad ito nagkumpirma ng pagsali na ang deadline ay itinakda noon pang Abril 10.       

Pinadalhan ng FIBA Asia ang Pilipinas ng confir­mation letter noon pang Marso 15 pero sa di malamang dahilan ay hindi agad na naaktuhan ang bagay na ito.

Ang Pilipinas ay kam­peon sa SEABA women’s championship na ginawa sa Pilipinas noong nakaraang taon nang talunin ang Thailand kaya’t nararapat na masama sa nasabing kompetisyon.

Sa Level II sana lalaro ang Pilipinas kasama ang Malaysia, Kazakhstan, Uzbekistan, Sri Lanka, Indonesia at Singapore.

Nagpapasaklolo ang SBP sa pamunuan ng FIBA Asia sa pangunguna ng secretary general Dato Yeoh Choo Hock na bumisita sa bansa at sinaksihan ang FIBA Asia Champions Cup na kung saan ang Smart Gilas Pilipinas ay tumapos lamang sa ikaapat na puwesto.

           

ABRIL

ANG PILIPINAS

ASIA CHAMPIONS CUP

ASIA WOMEN

DATO YEOH CHOO HOCK

PILIPINAS

SA LEVEL

SMART GILAS PILIPINAS

SRI LANKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with