Nowitzki naging emosyunal sa unang kampeonato ng Dallas
MIAMI --Tinanghal si Dirk Nowitzki bilang Most Valuable Player ng NBA Finals para sa kanyang mahalagang papel na ginampanan sa Dallas Mavericks sa kanilang unang NBA championship.
Ngunit may 1.2 segundo pa sa laro ay dumiretso na si Nowitzki sa kanilang dugout.
“I had to get a moment. I was crying a bit. I was a little emotional,” sabi ng German superstar. “I actually didn’t want to come out for the trophy, but the guys talked me into it.”
Bagamat nahirapan siya sa Game 6, si Nowitzki naman ang nagdala sa Dallas sa pagbabalik nito sa isang fourth quarter sa serye laban sa Miami.
Si Nowitzki ang nagpanalo sa Mavericks sa Game 2 mula sa isang left-handed layup sa kabila ng kanyang injury sa left middle finger buhat sa Game 1.
Iniskor niya ang 10 sa kanyang 21 points sa final period sa Game 4 bagamat meron siyang lagnat dahil sa sinus infection.
Iniabot ni NBA Commissioner David Stern ang Bill Russell NBA Finals Most Valuable Player trophy kay Nowitzki sa kanyang pagbalik sa court.
Si Nowitzki ang sentro ng Mavericks nang matalo sila sa Heat sa NBA Finals noong 2006 sa Dallas makaraang kunin ang 2-0 lamang sa kanilang serye.
Ilang kritiko rin ang nagpahayag na hindi makakalusot ang Mavericks sa Portland Trail Blazers sa first round.
At sa Game 5, ang driving dunk ni Nowitzki sa dulo ng Dallas ang tuluyan nang nagbigay sa kanilang 3-2 bentahe sa serye kontra Miami.
- Latest
- Trending