Bakbakan sa game 5
DALLAS--Sa kabila ng malamyang inilaro ni LeBron James sa Game 4, kumpiyansa pa rin si Dwyane Wade sa gagawin ng two-time NBA Most Valuable Player sa Game 5 ng NBA Finals.
“Eventually,” sabi ni Wade kay James. “He’s going to do something amazing, and it’s going to put us over the top.”
Sa 83-86 pagkatalo ng Miami Heat sa Dallas Mavericks sa Game 4, umiskor lamang si James ng 8 points mula sa 3-for-11 fieldgoal shooting na siya nang pinakamababa niya sa kanyang 90 career playoff games.
Magkatabla ngayon sa 2-2 ang best-of-seven championship series ng Heat at Mavericks patungo sa mahalagang Game 5 sa Dallas bago lumipat sa Miami para sa Game 6 sa Linggo.
Sakaling magtabla ang serye sa 3-3, itinakda ang winner-take-all Game 7 sa Martes sa Miami.
“I think it’s that time,” wika ni James. “I think it’s that time that I try to get myself going individually.”
“Sounds good to me,” sagot naman ni Wade.
Humugot naman si Dirk Nowitzki ng 10 points sa mahalagang final quarter ng Game 4 sa kabila ng pagkakaroon ng lagnat para itabla ang Mavericks sa Heat.
“I didn’t play well, especially offensively. I know that,” pag-amin ni James. “I’ve got to do a better job of helping this team win basketball games, especially late, no matter what it is. If that’s getting an offensive rebound, like I said, making a couple of baskets, being more aggressive to give my guys opportunities to get open looks. I have to do that. That’s what my job is. That’s what I’m here for.”
Sinabi ni Miami Fil-Am coach Erik Spoelstra na gagawa sila ng ilang adjustments para matulungan ang opensa ni James sa Game 5.
Bago ang Game 5, sinabi ni Dallas guard DeShawn Stevenson na kusang nag-“checked out” si James sa final minutes ng Game 4.
“That’s good for us,” sabi ni Stevenson, dating naglaro sa Washington Wizards kung saan niya nakasagupa si James sa pagiging isang dating Cleveland Cavalier nito.
“DeShawn, he’s been talking for a long time, since our Washington-Cleveland days,” ani James.
- Latest
- Trending