^

PSN Palaro

POC na ang tatapos!

- Ni ATan -

MANILA, Philippines -  Tatapusin na ng Philippine Olympic Committee (POC) ang usapin patungkol sa problema sa liderato sa Philippine Karatedo Fe­deration (PKF) sa inaasa­hang pagsalang nito sa POC General Assembly ngayon sa Wack Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong City.

Pormal na iaanunsyo ng POC ang pagkilala sa bagong liderato ng PKF sa body at kung walang ku­kuwestiyon ay pormal na tatanggapin ang liderato ni Dr. Enrico Vasquez bilang bagong pangulo ng samahan.

Kasama sa isasalang ay ang bagong pamunuan din ng Muay na kung saan naupo uli bilang pangulo si Gen. Lucas Managuelod.

Kahapon ay pinapag-ulat na ng POC na pinamumunuan ng pangulong si Jose Cojuangco Jr. si board member at soft tennis federation president Col. Jeff Tamayo sa kanyang na­saksihan sa pagpupulong at halalan na ginanap sa Bacolod City.

“Ang report ko patungkol sa dalawang eleksyon ay para sa POC lamang. Pero sa General Assembly ay iwe-welcome na ng POC ang bagong officials ng PKF at Muay,” wika ni Tamayo.

Matatandaan na naghahabol pa ang kampo ni Go Teng Kok na dating pa­ngulo pero pinatalsik ng sinasabing nakararaming opisyales ng PKF.

Nagtatagisan dati sa po­sisyon sina Go, na athle­­tics head din, at POC spokesperson Joey Romasanta pero sa nasabing PKF Gene­ral Assembly at eleksyon ay hindi na tu­makbo si Romasanta upang maupo sa pampangu­luhan si Vas­quez.

Inaasahang magkakaroon din ng ulat ang PSC patungkol sa magagandang nangyari sa POC-PSC National Games bukod pa sa paghahanda ng mga NSAs sa nalalapit na 26th SEA Games sa Indonesia sa Nobyembre.

BACOLOD CITY

DR. ENRICO VASQUEZ

GENERAL ASSEMBLY

GO TENG KOK

JEFF TAMAYO

JOEY ROMASANTA

JOSE COJUANGCO JR.

LUCAS MANAGUELOD

POC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with