MANILA, Philippines - Nakatutok sa 2012 London Olympic Games, ang mga miyembro ng SMART Olympic Taekwondo Team ay sasailalim sa isang exclusive training sa Korea mula Hunyo 6-18 bilang paghahanda sa world qualification tournament sa Baku, Azerbaijan sa Hunyo 25 hanggang Hulyo 4.
Ang SMART team ay binubuo nina John Paul Lizardo, Marlon Avenido, Samuel Thomas Harper Morrison, Jose Anthony Soriano, Jyra Marie Lizardo, Pauline Louise Lopez, Jade Zafra at Maria Camille Manalo.
“They’re the best among the current crop of Filipino fighters,” wika ni Philippine Taekwondo Association vice president Sung Chon Hong. “They have been tested in various local and international competitions.”
Ang koponan ay sasamahan ni Korean coach Kim Hong Sik.
Ang pagsasanay ng mga Filipinos ang magpapalakas sa kanilang fighting spirit at magpapatalas ng kanilang skills sa pagharap sa mga Koreans mula sa mga Korean taekwondo schools at gymnasiums kabilang na ang Pung Seng School at Dong-A University, Yong In University.
Makikipagsukatan rin sila sa mga Samsung’s professional players.
Apat na London Olympic berths--dalawa sa male at dalawa sa female--ang pag-aagawan sa world qualifying event.
Tig-apat pang male at female slots ang nakataya sa Asian qualification tournament na nakatakda sa Nobyembre 2-4, 2011 sa Bangkok.
Ang training ng koponan ay suportado ng SMART Communications, PLDT at Philippine Sports Commission.