Alcala sinibak si Carlos, papalo sa semis
Manila, Philippines - Dinomina ni Malvinne Alcala si Bianca Carlos mula sa kanyang 21-10, 21-9 panalo patungo sa semifinal round ng Open ladies singles sa MVP Sports Foundation-Bingo Bonanza Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) tournament sa Pohang Badminton Courts sa Bacolod City kahapon.
Ipinakita ni Alcala ang kanyang porma na nagbigay sa kanya ng Lining Australia Juniors crown para patalsikin ang defending champion sa loob ng 25 minuto.
Ang 16-anyos na national team mainstay ay sasagupa kay Danica Bolos para sa isang finals seat matapos biguin ng huli si giant-killer Paula Filart, 21-13, 21-13, sa isa pang Last 8 clash sa upper bracket ng torneong inorganisa nina Vice President Jejomar Binay, Rep. Albee Benitez at businessman-sportsman Manny Pangilinan at suportado ng official equipment sponsor Victor.
Tinalo naman ni second seed Gelita Castilo ng Golden Shuttle Foundation si Reyne Calimlim ng La Salle, 21-23, 21-12, 21-11, para sa kanilang Final Four clash ng isa pang La Salle bet na si Pauline Ramos, iginupo si fourth seed Cassandra Lim, 20-22, 21-15, 24-22.
Pinayukod ni top seed defending champion Antonino Gadi si Andrei Babad, 21-6, 21-13, para itakda ang kanilang semis showdown ni Peter Magnaye sa Open men’s singles ng ranking tournament na itinataguyod ng PLDT-Smart Foundation, Gatorade at Powersmash kasama ang The Philippine STAR, TV5, Badminton Extreme Philippines Magazine, Jam 88.3, Wave 89.1, Magic 89.9, 99.5 RT at 103.5 WOW! bilang media partners.
- Latest
- Trending