Sikat na mga atleta, celebrities susuporta sa AKTV Run sa June 5
MANILA, Philippines - Inaasahang susuporta ang mga popular na atleta at celebrities para sa AKTV Run sa SM Mall of Asia grounds.
Pamumunuan ni multi-titled runner Michelle Estuar ang mga participante sa nasabing June 5 race kasabay ng paglulunsad ng AKTV bilang sports channel ng TV5, ang bagong primetime sports block na magiging tahanan ng sports at active lifestyle programs sa IBC Channel 13.
Makakasama ni Estuar sa fun run na maglalatag sa 3k, 5k, 10k at 21 si amateur basketball player Eric Salamat ng reigning UAAP men’s basketball champion Ateneo at sina Sports5 reporters Rizza Diaz at Mav Gonzales.
Ang starting gun ay puputok ganap na alas-4:45 ng umaga para sa mga 21K runners.
Makakasama naman ng mga fans ang kanilang mga favorite PBA players na sina Meralco Bolts ace Macmac Cardona at Talk and Text shooter Larry Fonacier kasama sina Wesley Gonzales, Elmer Espiritu, Marc Espiritu, Sean Anthony, Doug Kramer, Ronald Tubid, Rabeh Al-Hussaini, at Marc Pingris.
Sina Pacific Xtreme Combat champs Joe Talimanglo at Jayjay Ambrose ay magbabahagi naman ng kanilang tips sa mixed-martial arts, habang si World 10-ball semifinalist Carlo Biado ay gagawa ng ilang pool exhibitions.
- Latest
- Trending