Jeson pahinga na sa doubles

MANILA, Philippines - Hindi kinaya nina Filipino netter Jeson Patrombon at Perakiat Siriluethaiwattana ng Thailand ang la­kas na ipinakita nina Kirati Siributwong ng Thailand at David Agung Sustanto sa super tie-break upang mamaalam agad sa doubles competition, 6-2, 4-6 (10-7) sa F2 Futures sa Surabaya, Indonesia.

Naisuko nina Patrombon at Siriluethaiwattana ang mahalagang puntos sa kalaban matapos ang mahabang palitan para mamahinga na matapos lamang ang unang round ng dibisyon.

Maganda sana ang ipinakita ng 18-anyos tubong Iligan City na si Patrombon dahil na-break ito sa kabuuan ng laban.

Ngunit nangapa si Perakiat sa kanyang porma at ang mga naitalang errors ay nakatulong para manalo agad ang katunggali sa first set.

Nakarating si Patrombon sa main draw sa singles nang maalpasan ang qualifying round. Anuman ang mangyari sa laban ay nakatiyak naman ang junior netter na may makukuha siyang karagdagang puntos upang mapataas pa ang kasalukuyang 1,535 ranking sa men’s circuit.

Show comments