Devance-Reyes trade aprobado na ng PBA pero...
MANILA, Philippines - Inaprobahan ni PBA Commissioner Rudy Salud ang Joe Devance- JayR Reyes swap nang magdagdag ang Air21 ng dalawang future draft picks (2011 at 2012 second round) sa one-on-one trade deal.
Ngunit inaasahang hindi mananatili si Joe Devance sa Air21.
Posibleng sa B-MEG Derby Ace maglalaro si Devance sa darating na PBA Governors Cup.
Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source niluluto na ang isang trade para sa paglipat ni Devance sa SMC group.
Sabi ng impormante, hindi mananatili si Devance sa Air21 dahil iteresado ang sa 6-foot-6 Fil-Am forward ang Derby Ace.
Idinagdag ng source na masasangkot ang Barangay Ginebra sa transaksiyon para malipat si Devance sa Llamados.
Sina KG Canaleta at Billy Mamaril ang mga SMC players na inaasahang masasangkot sa three-way trade.
Kung hindi magugulo ang plano, ang Derby Ace ang magiging ikatlong team ni Devance matapos ang Rain or Shine at Alaska Milk.
Ang 2008 top draft pick ay sumikat sa poder ng Alaska, at nakasama siya sa Mythical Second Team noong nakaraang taon at naging kandidato para sa Best Player of the Conference award sa nakaraang Philippine at Commissioner’s Cups.
Nagpasalamat naman si Devance sa break na nakuha nito sa Alaska at mula kay coach Tim Cone.
“I will always have Alaska in my heart. I wouldn’t be the player or the man I am without coach Tim Cone,” sabi ni Devance sa kanyang twitter account. “I give all the credit to my success to coach Tim.”
- Latest
- Trending