^

PSN Palaro

Abot kamay na ni Patrombon

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Lumapit sa isang hakbang si Jeson Patrombon sa hangaring makapaglaro sa main draw ng men’s singles sa Futures 2 sa Surabaya, Indonesia.

Agresibong paglalaro ang ipinakita ng 18-anyos tubong Iligan City laban kay Liang Wen Yao ng Chinese Taipei para sa 6-3, 6-3, panalo sa pagsisimula ng qualifying round.

Hindi pinayagan ni Pat­rombon ang Taiwanese player ang siyang magdikta sa kanilang laro para madomina niya ang sagupaan na ginawa sa granite court.

Seeded number three si Patrombon sa qualifying round dahil sa kanyang 1,527 ATP points na nakuha sa tatlong Men’s Circuit sa India, pupuntiryahin ng pambato ng Pilipinas ang puwesto sa main draw sa pagbangga sa wild card Indonesian bet na si Irfandi Hendrawan na tinalo ang kababayang si Bangun Hartato, 6-0, 6-4.

Kung maduduplika ni Patrombon ang larong ipi­nakita sa unang sabak ay walang nakikitang prob­lema si Tecson sa hanga­ring makaabante sa main draw ang kanyang manlalaro.

vuukle comment

AGRESIBONG

BANGUN HARTATO

CHINESE TAIPEI

ILIGAN CITY

IRFANDI HENDRAWAN

JESON PATROMBON

LIANG WEN YAO

LUMAPIT

PATROMBON

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with