^

PSN Palaro

Romero malakas ang laban

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Selyado na ni Harbour Centre CEO Mikee Romero ang pampanguluhan ng Philippine National Shoo­ting Association (PNSA).

Sinasabing 11 sa ka­bu­uang 15 PNSA board members ang pabor na sa kandidatura ni Romero upang makahalili ang nagbitiw na pangulo at two-time Olympian Art Macapagal.

Ang grupo ng rifle ay sumama na sa grupo ng pistol at trap at moving target na hawak nina Na­thaniel “Tac” Padilla at Ja­mes Chua para tumibay pa ang plano ng businessman/sports patron na ma­ging pangulo ng PNSA na isang Olympic sport.

“As a shooting lover, I would like to welcome Mr. Romero to our association. He competed in a big tournament in the past so he knows very well the charter of the association,” wika ni Col. Danilo Gamboa na miyembro ng pistol team mula 1975 hanggang 1985.

Malaki ang paniniwala ni Gamboa na makakatulong si Romero sa hanga­ring tagumpay sa Southeast Asian Games sa Nob­yem­bre sa Indonesia dahil sa kanyang malawak na koneksyon sa pribadong sector.

“He has the fell for the sport. We need young blood who can infuse new and sound ideas to the group. I hope we in the Board can sit down the soo­nest possible time to fill the leadership vacuum,” dagdag pa ni Gamboa.

Sa Constitution and By Laws ng PNSA, ang isang pangulo ay dapat mangga­galing mula sa 15-board members.

Si Romero ay nonombrahin ng trap and moving target bilang isa sa tatlong kinatawan sa board kapag naidaos ang Board mee­ting.

Nasabi naman na ni Ro­mero ang kahandaan na magtrabaho upang ma­iangat ang estado ng shooting sa malalaking kompetisyon sa labas ng bansa.

“I love to serve as head of the sports association that is dearest to my heart. I’m humbled by the strong support of the shotgun shooters so if I’ll get majority of the votes, then I’m willing to lead the association to greater heights,” wika ni Romero.

Kung mauupo ay ha­ngad rin ni Romero na mag­karoon ng pagkakaisa ang mga opisyal ng PNSA dahil naniniwala siya na isa lamang ito sa paraan upang magkaroon ng katuparan ang hinahangad na pagpa­paganda sa naturang sports.

DANILO GAMBOA

GAMBOA

HARBOUR CENTRE

MIKEE ROMERO

MR. ROMERO

OLYMPIAN ART MACAPAGAL

PHILIPPINE NATIONAL SHOO

ROMERO

SA CONSTITUTION AND BY LAWS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with