^

PSN Palaro

Tig-3 gold sa Chan siblings

- Ni Russell Cadayona -

BACOLOD CITY, Philippines - Da­lawang magkapatid na wu­shu artist ng Baguio City ang kumuha ng tig-tatlong gintong medalya, samantalang ang mga ri­ders naman ng Suzuki ang namayagpag sa motocross event sa pagtatapos ng 2011 Philippine National Games dito kahapon.

Sinikwat ng magkapatid na John Keithley at Vannessa Jo Chan ng Baguio City ang kanilang tig-tatlong gintong medalya sa wushu competition na idinaos sa Negros Occidental Multi-purpose Activity Center.

Inangkin ng 16-anyos na si Kiethley ang male 13-18-year-old jian shiu (straight sword), chang quan at spear events.

Hinihikayat ng Wushu Federation of the Philippines (WFP) si Chan na sumama sa national team para sa 26th Southeast Asian Games sa Indonesia sa Nobyembre.

“I’m still deciding, about the offer by the WFP, but I would really want to compete for our country in the Southeast Asian Games,” sabi ni Chan, ang ama ay isang retiradong US Na­vy­man.

Tinubog naman ng kanyang 11-anyos na kapatid na si Vanessa ang mga ginto sa female 7-12 jianshu, chang quan at spear.

Ang iba pang kumuha ng ginto sa kani-kanilang mga events ay sina Brian Kevin Salazar (male tianjian 13-18 yrs old), Kariza Kris Chan (female tianjian 19-30 yrs old), Daniel Parantac (male tianjian 19-30 yrs old), Solomon Cardenas (male long weapon 7-12 yrs old) at Jemimah Ruth Balares (female long wea­pon 13-18 yrs old) .

Sa motocross, inararo ng mga riders ng Suzuki na sina John Emerson Inguito, Dashi Watanabe, Paul Mark Doblada, Johnlery Enriquez at Josh Tan ang mga ginto sa 115cc, automatic open, open underbone, 115gp at 130gp, ayon sa pagkakasunod.

Nakasingit naman ng gold medal sa kanilang mga events sina Francis Rodriguez (All-Negros) at John Rey Candes (All-Negros, 2-stroke).

Sa beach volleyball, sinikwat nina national assistant coach Parley Tupaz at Angelo Espiritu ang gold medal sa men’s division, habang nagreyna sina Nerissa Bautista at Michelle Laborte sa women’s class.

Sa triathlon, kinuha nina national athletes Niko Huelgas at Kim Mangrobang ang mga gintong medalya sa men’s at women’s triathlon events na ginawa sa Talisay City beach front.

Ipinoste ng 20-anyos na La Salle student na si Huelgas ang tiyempong 2:11.18 sa 1.5-kiometer swim, 40-km. bike at 10-km. run discipline bago nag-collapse, habang naglista si Mangrobang ng oras na 2:31.29.

Sa Talisay City, giniba ng national women’s football team na Malditas ang Iloilo, 2-1, para walisin ang mga kompetisyon patungo sa kanilang pagsapo ng gintong medalya. 

ACTIVITY CENTER

ALL-NEGROS

ANGELO ESPIRITU

BAGUIO CITY

BRIAN KEVIN SALAZAR

DANIEL PARANTAC

DASHI WATANABE

FRANCIS RODRIGUEZ

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with