^

PSN Palaro

Marquez kukuha ng doktor sa paghahanda kay Pacquiao

- Ni Angeline Tan -

Manila, Philippines - Kukuha ng doktor si Juan Manuel Marquez upang mapagtibay ang pag­hahanda nito sa ikatlong pagtutuos nila ni Manny Pacquiao sa Nobyembre 12.

Itataya ni Pacquiao ang hawak na WBO welterweight title at dahil hindi naman bihasa si Marquez na lumaban sa 147 pound division kaya’t sa catchweight na 144 pounds ito ga­gawin.

Ang pinakamabigat na timbang na pinasok ng 37-anyos na si Marquez ay 142-pounds nang kinaharap si Floyd Mayweather Jr. at lumasap siya ng unanimous decision na kabiguan.

Matapos nito ay bumaba uli ng timbang si Marquez at bago ang alok ng Top Rank ay sumabak sa dalawang laban sa 135 pound division kontra kina Juan Diaz at Michael Katsidis.

Pareho niyang tinalo ang dalawa para tanghaling kampeon ng WBA at WBO lightweight division.

Hindi man tinuran, isang nutritionist kagaya marahil ni Alex Ariza na tumutulong kay Pacquiao, ang ha­hanapin ng kampo ni Marquez upang matiyak na mananatili ang bilis nito kahit bumigat ang timbang.

“Matching Pacquiao’s speed and rhythm are the key to victory,” wika nga ni Marquez.

“I will come in at a higher weight than normal but I will have doctors monitoring my progress. The doctors will help me maintain my speed,” dagdag pa ng boksingerong may 52 panalo sa 58 laban kasama ang 38 KO.

Nais ni Marquez na ma­kabawi sa Pambansang kamao dahil hindi pa siya nakakaporma sa dalawang naunang pagtutuos.

Nauwi sa tabla ang unang laban noong 2004 at natalo naman siya sa pa­mamagitan ng split decision sa ikalawang sagupaan noong 2008.

ALEX ARIZA

FLOYD MAYWEATHER JR.

JUAN DIAZ

JUAN MANUEL MARQUEZ

MARQUEZ

MATCHING PACQUIAO

MICHAEL KATSIDIS

PACQUIAO

TOP RANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with