Carlos, Gadi babandera sa PBaRS 2nd leg cast

MANILA, Philippines - Puntirya nina Bianca Carlos at Antonino Gadi ang kanilang magkasunod na panalo sa Open division ng second leg ng MVP Sports Foundation-Bingo Bonanza Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) na hahataw sa Mayo 31 sa Pohang Badminton Courts sa Bacolod City.

Kinumpirma ng mga pam­bato ng Golden Shuttle Foundation ang kanilang paglalaro sa week-long even kahit na kasali ang mga nagwagi sa kickoff leg sa PowerSmash noong Abril.

Para mabigyan ng pagkakataon ang mga pla­yers mula sa probinsya na makasali sa top-level tournaments at makakuha ng ranking points, dalawang regional tournaments ang idaraos ng PBaRS sa Hul­yo 31 hanggang Agosto 6 sa Davao.

“It is also aimed at discovering fresh talents who could be trained and deve­loped into becoming members of the national pool,” wika ni PBaRS tourna­ment director Nelson Asuncion.

Para sa detalye, ma­aring mag-log on sa www.pbars.com o sa email info­@pbars.com.

Ang serye ng PBaRS nationwide tournaments ay proyekto nina Vice President Jejomar Binay, Rep. Albee Benitez at businessman-sportsman Manny Pangilinan.

Show comments