^

PSN Palaro

Isa na lang!

-

OKLAHOMA CITY - Umiskor si Dirk Nowitzki ng 40 points, habang isinalpak ni Jason Kidd ang isang go-ahead 3-pointer sa huling 40 segundo sa overtime para igiya ang Dallas Mave­ricks sa pagbangon mula sa isang 15-point deficit at talunin ang Oklahoma City Thunder, 112-105, sa Game 4 ng kanilang Wes­tern Conference Finals.

Inangkin ng Mavericks ang 3-1 lamang sa kani­lang serye ng Thunder.

Nakabalik ang Dallas buhat sa 84-99 pagkakabaon sa huling limang mi­nuto ng fourth quarter patungo sa paggupo sa Oklahoma City.

Naimintis ni Kevin Durant ang isang 3-pointer sa opening possession ng Thunder sa overtime. Tumapos siya na may 29 points at 15 rebounds kasunod ang 18 points at 10 boards ni Serge Ibaka.

Nagdagdag si Russell Westbrook ng 19 points, 8 rebounds at 8 assists.

Nakatakda ang Game 5 sa Miyerkules.

Ibinigay ng Mavericks sa Thunder ang unang back-to-back losses nito sa postseason matapos naman ang anim na buwan.

Dalawang koponan pa lamang ang nakakabangon mula sa isang 1-3 deficit sa NBA history at wala ang ‘home-court advantage’ sa Game 7. Ito ay ang Hous­ton sa 1995 West se­mifinals at Boston sa 1968 East Finals.

CONFERENCE FINALS

DALLAS MAVE

DIRK NOWITZKI

EAST FINALS

JASON KIDD

KEVIN DURANT

OKLAHOMA CITY

OKLAHOMA CITY THUNDER

RUSSELL WESTBROOK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with