MVP interesado sa Sacramento Kings

MANILA, Philippines - Pondong $200 hanggang $260 milyon ang kailangang ihanda ni Filipino businessman Manny V. Pangilinan para makasama sa grupong nagpaplanong bumili sa prangkisa ng Sacramento Kings sa National Basketball Association (NBA).

Inamin ni Pangilinan sa isang panayam na na­kausap niya si retired NBA player at All-Star Chris Webber sa kanyang pagbisita sa Sacramento kaugnay sa naturang grupo ng investors na nagbabalak saluhin ang naghihingalong Kings.

Si Webber ay naging superstar forward ng Sacramento noong 1998 hanggang 2005 at ngayon ay isa nang tv analyst.

“If we proceed, we’ll be seeking a majority stake,” wika ni Pangilinan, ang chairman ng Philippine Long Distance Telephone Company at team owner ng Talk ‘N Text Tropang Texters at Meralco Bolts sa Philippine Basketball Association (PBA).

Show comments