^

PSN Palaro

Caloocan pasok sa North Zone

- Ni VF -

MANILA, Philippines - Nakuha ng Caloocan ang karapatang maging kinatawan ng North Zone nang talunin ang Valenzuela, 77-70, sa knockout ga­me sa 2nd Coca-Cola Hoopla NCR Championship nitong Linggo.

Nagkaroon ng do-or-die game nang unang manalo ang Valenzuela, 77-66, ni­tong Sabado pero sa ma­halagang labanan ay lu­mabas uli ang tikas ng Caloocan upang masamahan ang Quezon City (East), Mandaluyong (Central) at Antipolo (West) sa double round Inter-Zonal.

May 24 puntos si Arjhay Napenas habang 14 naman ang ibinigay pa ni Rodel Garcia para pamunuan ang Valenzuela.

Ang aksyon sa South Zone na lamang ang hinihintay upang makumpleto ang limang koponang magl­alaban-laban para ma­determina kung sino ang hihiranging kampeon ng ikalawang edisyon ng palarong suportado ng Coca-Cola.

Dinurog ng Pasay ang nagdedepensang Muntinlupa, 99-86, sa pagsasanib ng 52 puntos nina Harold Lomtong at Gio Ramos upang magsalo ang dalawa koponan sa 5-3 karta sa ikalawa sa huling laro sa Inter-City competition.

Nanalo rin ang Taguig sa Parañaque, 69-40, para manatiling nangunguna sa grupo sa 5-2 karta.

Ang Inter-Zonal ay mag­sisimula sa Mayo 29.    

ANG INTER-ZONAL

ARJHAY NAPENAS

CALOOCAN

COCA-COLA HOOPLA

GIO RAMOS

HAROLD LOMTONG

NORTH ZONE

QUEZON CITY

RODEL GARCIA

VALENZUELA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with