^

PSN Palaro

Negros winalis ang Iloilo, kampeon sa PFF Suzuki Cup U-23

- Ni Russell Cadayona -

BACOLOD CITY Philippines -- Mula sa kontrobersyal na protesta ng Iloilo, winalis ng Negros Occidental ang kanilang 'home-and-away' series upang sikwatin ang titulo ng PFF Suzuki Under-23 kamakalawa ng gabi dito sa Panaad Stadium.

Winakasan ng Negros Occidental ang kanilang two-game series ng Iloilo sa aggregate 21-1 mula sa kanilang 9-0 paggupo sa Iloilo sa second leg.

Sa first leg sa Central Philippines University sa Iloilo City, nagtabla sa 1-1 ang Negros Occidental at ang Iloilo sa regulation time subalit dalawang extra periods ang iniutos ng mga tournament officials.

Sa extension, dalawang goals ang ipinasok ng Negros Occidental patungo sa kanilang 3-1 panalo na iprinotesta naman ng Iloilo.

Ipinag-utos naman ni Philippine Football Federation (PFF) president Mariano "Nonong" Araneta na panghawakan ng mga tournament officials ang nasabing 3-1 tagumpay ng Negros Occidental bago ang se­cond leg kontra Iloilo.

Ang pananaig ng Neg­ros Occidental sa second leg ay binanderahan naman nina Fil-American Joshua Beloya, Gino Palo­mo at Aldrin Dolino.

Si Beloya, hinirang na Best Striker ng torneo, ang nagpasok ng dalawang goals sa 6th at 75th minu­tes at si Gino Palomo ang nagsalpak ng mga goals sa 38th, 45th at 50th minutes.   

ALDRIN DOLINO

BEST STRIKER

CENTRAL PHILIPPINES UNIVERSITY

FIL-AMERICAN JOSHUA BELOYA

GINO PALO

GINO PALOMO

ILOILO

ILOILO CITY

NEGROS OCCIDENTAL

PANAAD STADIUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with