^

PSN Palaro

3 beterano nanalasa agad ng ginto sa athletics

- Ni Russell Cadayona -

BACOLOD CITY- Philippines -Tatlong national team mainstay at isang 17-anyos na pambato ng Bacolod City ang tumubog ng gintong medalya sa unang araw ng inaabangang athletics competition.

Namayani sa kani-ka­nilang events ang mga beteranong sina Jho-Ann Banayag   , Rosie Villarito at Narcisa Atienza at ang graduating high school student na si Maika de Oro sa Philippine National Games 2011 dito sa Panaad Track Oval kahapon.

Kinuha ni Banayag, ang two-time Milo National Finals queen, ang gold me­dal sa women’s 10,000-meter run sa tiyempong 37:44.30 para talunin sina Aileen Tolentino (40:59.00) at Cerila Cortel (41:42.90).

“Gusto ko talagang manatili sa national team, kaya maganda ang itinakbo ko,” sabi ng 28-anyos na si Banayag, inalis ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) sa national pool bago ang 2010 Asian Games sa Guanzghou, China.

Ang pagtatanggal ng PATAFA kay Banayag ay dahil sa kanyang paglahok sa 2010 Camarines Sur International Marathon na kanyang pinagreynahan.

Nagtala si Villarito, ang 2009 SEA Games javelin throw gold medal winner at pambato ng Bago City, ng hagis na 11.26m para sikwatin ang gintong medal­ya sa women’s shot put at talunin sina Monalisa Mendez (10.23m) at Hanna Erika Sia (9.65m).

Nagrehistro naman si Atienza ng 1.75m para dominahin ang women’s high jump na malayo sa kanyang national mark na 1.81m.

Ang 17-anyos na si de Oro ay naghagis ng 37.36m sa girls’ discuss throw event para sa gold me­dal.

Kabuuang 24 gintong medalya ang nakalatag ngayong araw na tinatampukan ng mga labanan sa men’s at women’s 100m, 200m , 800m, 400m hurdles run at women’s long jump na magpapakita kay Asian Games at SEA Games long jump gold medalist Ma­restella Torres. 

Sa dragon boat event sa Bantayan Park sa Bago River, dalawa sa limang final events na ang ibinulsa ng national team sa sports event na inihahandog ng Smart, Procter and Gamble, Scratch It, Go for Gold, Summit Water, Super Ferry and Negros Navigation at suportado ng Negros Occidental provincial government, Gatorade, Standard Insurance, Inc. Zest Air, Bodivance at Accel.  

Inangkin ng national squad ang gintong medal­ya sa 10-men crew 500m sa kanilang tiyempong 2:28.17 kasunod ang Philip­pine Navy (2:30.72) at Boracay Guardians (2:31.63), habang nagtala naman ang national team ng bilis na 2:42.43 sa women’s 10-crew sa itaas ng Boracay Guardians (3:06.89) at PDRT (3:21.17).

vuukle comment

AILEEN TOLENTINO

ASIAN GAMES

BACOLOD CITY

BAGO CITY

BAGO RIVER

BANAYAG

BANTAYAN PARK

BORACAY GUARDIANS

NATIONAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with