^

PSN Palaro

Magkakaalaman ngayon sa pagbabalik ng D-League

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Isang laro ay magde­determina sa kung sino ang aabante sa quarterfi­nals habang ang isa ay magsasabi kung sino ang ma­agang mamamahinga sa PBA D-League.

Aksyon sa Group B ang matutunghayan sa pagba­balik ng PBA D-League Foundation Cup ngayon sa San Juan Gym at unang sasalang ang Cebuana Lhuillier at Cobra Energy Drink sa ganap na alas-2 ng hapon na susundan ng bakbakan ng Café France at Junior Powerade dakong alas-4.

Pasok na sa Playoff ang Gems at Ironmen dala ng magkatulad na 4-1 karta pero paglalabanan nila ang mahalagang awtomatikong puwesto sa quarterfinals.

Ang mangungunang da­lawang koponan sa mag­kabilang grupo ang kukuha sa insentibo at ang Gems ay selyado na ang isang puwesto sa Group B.

Ang matatalo sa unang sultada ay babagsak upang saluhan sa ikalawang puwesto ang Max Bond Super Glue (4-2).

 Pero nanalo ang Gems sa Sumos sa kanilang tagi­san sa classification round, 73-58, upang makatiyak na aabante pa rin kung matalo sa Ironmen.

Ngunit kung ang bataan ni coach Lawrence Chongson ang malalaglag, ang Sumos ang aabante dahil sa 77-75 panalo na kinuha noong Abril 14.

Sina Allein Maliksi, Marvin Hayes at Kevin Alas na­man ang mamumuno sa Gems na hindi makakasama ang coach na si Luigi Trillo at power forward Ariel Mepana dahil sa one game suspension matapos mada­wit sa gulo sa huling laro laban sa Max Bond.

Nakataya naman sa main game ang karapatang manatiling buhay sa hangaring titulo ng 13- ko­po­nang liga.

Tinapos ng Tigers at Scorpions ang classification round sa 1-5 karta kaya’t ang mananalo sa sagupaan ang siyang makakasama kukumpleto sa anim na koponang aabante sa Playoffs.   

vuukle comment

ARIEL MEPANA

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

GROUP B

JUNIOR POWERADE

KEVIN ALAS

LAWRENCE CHONGSON

LUIGI TRILLO

MARVIN HAYES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with