^

PSN Palaro

Matitikas na cue artists maglalabu-labo para sa asam na slot sa nat'l team

- Ni Russell Cadayona -

BACOLOD CITY Philippines --  Huwag na kayong magulat kung masalubong ninyo sa Gaisano Mall ang mga billiards superstars na sina Efren “Bata” Reyes, Dennis Orcollo at Rubilen Amit.

Ito ay dahilan sa kanilang paglahok sa billiards competition ng 2011 National Games kasama sina Warren Kiamco, Jeff de Luna, Carlo Biado, Jundel Mazon, Iris Ranola, Mary Ann Basas, Floriza Andal at Zemonette Oryan.

“Siyempre, gusto ko ring manalo at ipakita na deserving ako sa national team,” sabi ng Cebuanang si Amit, ang 2009 World Women’s 10-Ball queen at Southeast Asian Games gold medalist, nang makausap ng PSN habang naglalakad sa Gaisano Mall.

Inaasahang mapupuno ang Gaisano Mall sa pag­sargo nina Reyes, naghari sa katatapos na 2011 US Open Open Pocket sa Las Vegas, Nevada, at Orcollo, ang kasalukuyang world 8-Ball king at world No. 1 player.

Makakasabayan rin nina Reyes at Orcollo sa men’s 9-ball event sina Kiamco, ang silver medalist sa 2010 Guangzhou Asian Games, de Luna, Mazon at Biado, tanging Pinoy na umabante sa semifinal round ng nakaraang 2011 World 10-Ball.

Bukod sa billiards, nakataya rin ang mga gintong medalya sa men’s at women’s six-red snooker event.

Inaasahang aabot sa 100 ang magiging partisipante sa billiards and snooker competitions ng 2011 National Games.  

ASIAN GAMES

CARLO BIADO

DENNIS ORCOLLO

FLORIZA ANDAL

GAISANO MALL

GUANGZHOU ASIAN GAMES

INAASAHANG

IRIS RANOLA

NATIONAL GAMES

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with