^

PSN Palaro

Antipolo, M'daluyong pasok na sa Inter-Zonal

- Ni VFuentes -

MANILA, Philippines - Umabante na ang An­tipolo at Mandaluyong sa Inter-Zonal phase sa 2nd Coca Cola Hoopla NCR Championship nang manalo sa mga nakalaban sa North Zone nitong Sabado.

Kumulekta ng 30 puntos si Michael Dizon habang 14 naman ang ibinigay ni Paul Baliton para sa Antipolo na nalusutan ang Taytay, 79-75 sa West Zone playoff.

May tig-20 puntos naman ang ginawa nina Glenmark Cerbito at Rafael Rebugio para pangunahan ang Mandaluyong sa 76-72 tagumpay sa San Juan .

Dahil sa mga tagumpay na ito, ang Antipolo at Mandaluyong ay sumalo sa Quezon City na suportado ni Vice Mayor Joy Belmonte, sa double round Inter Zonal na magdedetermina sa 2011 NCR champion at magbibitbit pa ng P250,000 unang gantimpala sa kabuuang P500,000 premyo.

Nangailangan naman ng isa pang laro upang ma­determina ang kinatawan ng North Zone nang matalo ang Caloocan sa Valen­zuela, 77-66. 

Balanseng pag-atake ang ginawa ng Caloocan nang humugot ang kopo­nan ng 12 kay Gelin delos Santos at 11 pa kay Cesar Miranda para mangaila­ngan ng sudden-death match na ginanap naman kahapon.

Nanalo naman ang nag­dedepensang kampeon na Muntinlupa sa Las Pinas, 90-70 sa South Zone nang makaiskor ng 21 puntos si Christian Paguinto habang ang Taguig ay nanalo rin sa Pasay, 71-45, sa isa pang laro.

CALOOCAN

CESAR MIRANDA

CHRISTIAN PAGUINTO

COCA COLA HOOPLA

GLENMARK CERBITO

INTER ZONAL

LAS PINAS

MANDALUYONG

MICHAEL DIZON

NORTH ZONE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with